Ala-ala’y kakalimutan para sa kapakanan ng dalawang tunay na nagmamahalan.
Sapphire

Dalawang buwan nang nakalipas
Ngunit hindi parin ako makatakas-takas
Nakakulong sa mga ala-ala ng nakaraan
Na dati kong binalik-balikan
O kay sarap manatili sa’yong bisig
Dinaram-dam ang mga bawat pintig
Akala’y sa’kin tumitibok
Ngunit ito pala’y nililok
“Hindi mabubuhay ang pag-ibig,
Kung walang tiwala”
Ito ang turan ni Kupido
Na ngayo’y kay sakit sapagkat nagkatotoo
Hindi nga ba ako sapat?
Kaya ika’y naghanap ng mas tapat?
Mas matalino, mas marikit.
Kaya ako’y iniwan at ipinagpalit.
Ganun na lang nga ba ‘yon?
Pagsasamay’y bigla na lang ibabaon
Pagkat pinili mo ay iba
Kaya ako’y iniwan ng nag-iisa.
Ano nga ba ang nangyari?
Ako ba ang nagkamali?
Bakit hindi ko ito mawari
Ang pagsasamang biglang nabali
Ilang araw akong naghinagpis
Pagka’t hindi ko iton maalis-alis
Sa aking puso’t isipan
Na alam mong ikaw ang laman
Dalawang buwan na ang nakalipas
At sa wakas!
Ako’y nakalaya at nakatakas!
Sa tanikalang kay hirap ibaklas.
xx. The Icy Sapphire 🥀
[2017-02-22 • 2016-11-28 • 2020-05-27]

Naks naman 😂👏
LikeLiked by 1 person